Mga Katangian ng Mabuting Balita

Share:

Mahalaga ang mga katangian ng mabuting balita dahil dito natin malalaman at maiintindihan kung karapat-dapat ba na paniwalaan o dapat bang tutukan ang isang balita.

Ang balita ay mga pangyayari sa isang lugar na ibinabahagi ng ibang tao sa pamamagitan ng iba't ibang kagamitan tulad ng telebisyon, radyo, compyuter o kaya'y sa pamamagitan ng pagpapahayag ng isang tao na may kinalaman sa pangyayari.

Ang mabuting balita ay may mga katangian at ang mga katangiang ito ay ang mga sumusunod:
  • dapat na ang mabuting balita ay payak
  • ang isang mabuting balita ay dapat na napapanahon
  • ang mabuting balita ay dapat ding sariwa at bago
  • kinakailangan rin na ang mabuting balita ay makatotohanan
  • ang mabuting balita ay walang kinikilingan
  • at higit sa lahat ang mabuting balita ay may katiyakan at katampukan
Ang mga katangian ng mabuting balita ay mahalaga para mapaniwala ang mga mambabasa o mga nakikinig sa isang balita.