Ang paglilista o enumerasyon ay
tumutukoy sa tallan o listahan ng mga ideya, katotohanan o detalye tungkol sa
pangunahing ideya. Ang ayos ng mga detalye o ideya ay maaaring magkapalitan na
hindi mababago ang kahulugan.
Ang TB ay maaaring gamutin at mabigyang lunas.
Matagal nang may mga gamot laban sa TB. Ang gamutan ay maaaring tumagal ng 6 –
9 na buwan. Kailangang tuloy-tuloy inumin ang gamot at makumpleto upang mapuksa
ang TB.
Ito ay pinakapangkaraniwang hulwaran sa
pag-oorganisa ng teksto. Ang mga impormasyon ay isa-isang itatala at
tatalakayin. Madalas na nakaayos ito nang ayon sa tamang pagkakasunod-sunod.
May mga pagkakataon din na ang isang malawak na paksa ay hinahati-hati sa mas
maliit na paksa at isa-isa itong binibigyan ng pamagat. Madalas ding gamitin
ang pag-iisa-isa o enumerasyon sa mga pagsusulit na obhekatibo kapag ang
proseso o mga hakbang ang hinihingi sa mga aytem.
Mga
Halimbawang Teksto
Ang Tuberkulosis
Ang tuberculosis ay sakit dulot ng
mikrobyong Mycobacterium tuberculosis.
May
karaniwang sintomas ang TB:
-
Lagnat na kadalasang
nararamdaman kung tanghali o panahon na
-
Pag-ubo na tumatagal ng
dalawang (2) linggo o higit pa
-
Pambihirang pagpapawis lalo na
kung gabi
-
Minsan may pag-ubo na may
kasamang dugo
-
Walang ganang kumain o
pangangayayat
Tama
ba ang mga paniniwala mo ukol sa Tuberkulosis?
-
Ang tuberkulosis ay hindi
namamana. Ang karamdamang ito ay maaaring makuha sa paglanghap ng hangin na may
mikrobyo na mula sa isang pasyenteng may TB. Matagal na eksposyur ang
kinakailangan.`
-
Ikaw ay agad na mahahawa ng TB
kapag gumamit ng mga bagay tulad ng kubyertos na ginamit ng mga taong may TB.
Hindi nakakahawa ng TB ang paggamit ng
mga bagay tulad ng kubyertos na pagmamay-ari ng taong may TB. Ang di mainam na
nutrisyon ang isa sa mga sanhi ng mas mabilis na pagkapit ng tuberkulosis.
-
Ang TB ay napakahirap gamutin o
di kaya’y wala nang lunas.