Kahulugan ng Pagsulat
Ano ang pagsulat?
-
Ang pagsulat ay
pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga
tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al., 1998).
-
Isang paraan ng
pagpapahayag ng mag saloobin, damdamin at kaalaman ang pagsulat katulad ng
pagsasalita. Sa apat na makrong kasanayang pangwika (pakikinig, pagsasalita,
pagbasa at pagsulat), ang pagsulat ang sinasabing pinakamahirap matutuhan. Di
tulad ng pagsasalita, hindi mga tunog kundi may mga titik ang simbolong
ginagamit ng manunulat upang makapagpahayag. Bumubuo siya ng makahulugang
salita mula sa mga titik, at ng mga pangungusap at kabuuang diskors mula sa mga
salita.
-
Ang pagsulat ay
ekspresyon ng pagpapagalaw ng isipan at emosyon ng tao. Ang mga bagay na hindi
kayang sabihing pasalita ay ginagawa sa paraang pasulat. Maaaring sumulat ng
pansarili o personal; kasabay nang pag-unlad ng sariling ideya tungkol sa
sarili at karanasan. Ang ganitong uri ng pagsulat ay makatutulong sa
pagpapabuti ng kasanayang ito sapagkat ang paksang isinusulat ay pinakamalapit
sa interes mo.
-
Nagsusulat ang
isang tao upang makapag-ambag ng kaalaman o kaisipang maaaring mang-uudyok sa
mambabasang sumulat nang makabuluhan.
Kahalagahan
ng Pagsulat
Inilahad ni Arrogante
(2000) ang mga kahalagahan ng pagsulat:
a. Kahalagahang
Panterapyutika
Ang taong may kahinaan sa
pagsasalita ay mahilig sumulat para mailabas lamang ang nasa kalooban may
babasa man o wala. Gumagaan ang kanilang pakiramdam pagkatapos makapagsulat.
Para bang naibsan sila ng isang mabigat na dalahin.
b. Kahalagahang
Pansosyal
Sumusulat ang mga tao
dahil may namamagitang katahimikan o mga bagay na siyang nagpapalayo sa isang
relasyon ngunit likas ng tao ang magkarelasyon. Kung nasasaktan ka at hindi mo
masasabi nang tuwiran ang iyong nadarama, isulat mo lang iyon. Madali ang
ugnayan sa pamamagitan ng pagsulat. Ang isang mamamayang sosyal ay sandatang
panulat ang ginagamit para maipadama ang kanyang saloobin tungkol sa mga
pangyayari sa kanyang kapaligiran.
c. Kahalagahang
Pang-ekonomiya
Ang tao’y sumusulat dahil
kailangan para siya’y mabuhay, sa madaling salita ito’y nagiging kanyang
hanapbuhay. Pang-araw-araw na gawain niya ang pagsusulat at ang paghahanap ng
mga dapat isulat, lalo na kapag may hinahabol na deadline.
d. Kahalagahang
Pangkasaysayan