Ano Ang Pagbabalangkas At Ano Ang Mga Uri Ng Balangkas

Share:

Ang balangkas ay isang naksulat na plano ng mahahalagang bahagi ng isang sulatin na nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Mahalagang bahagi lamang ang nakapaloob dito upang magsilbing patnubay sa gagamitin ukol sa magiging nilalaman ng isang sulatin.

Mahalaga ang paggawa ng balangkas sa paghahanda ng ulat o anumang sulatin katulad ng pag-uulat, pananaliksik, at pagsasaayos ng mga impormasyon. Matapos makuha ang mga impormasyong kailangan sa iyong ulat ang susunod mong iisipini ay kung alin sa maraming impormasyon mong nakuha ang iyong isasama sa ulat. Sa bahaging ito, mahalaga ang paghahanda ng isang balangkas.

Mga Uri ng Balangkas


Pamaksang Balangkas (topic outline)


Ito ay binubuo ng salita o parirala lamang dahil matipid ito sa pananalita o pahayag. Madalas ginagamitan ito ng mga pangngalang-diwa (gumagamit ng panlaping makangalan na pag.


Pangungusap na Balangkas (sentence outline)

Ito ay binubuo ng mga buong pangungusap na naglalaman ng pangunahing ideya at maynor na ideya.
Patalatang Balangkas (paragraph outline)

Ito ay binubuo ng mga pangungusap na naglalahad ng nilalaman ng buong mga talata ng sulatin.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Balangkas

      ·         Basahin muna nang pahapyaw ang isang tekto bago magtala ng mga paksa o detalye.
·         Suriin ang pagkakaayos ng mga ideya sa binasang teksto. Ito ba ay nasa ayos na kronolohikal,  mula sa simple patungo sa kumplikadong mga ideya, sanhi at bunga, malawak na paksa patungo sa mga tiyak na ideya, mga tiyak na ideya patungo sa malawak na paksa o lohikal na ayos at iba pa.
·         Pag-aralan kung ano-ano ang mahahalaga o pangunahing ideya at ang mga pantulong na ideya.
·         Tiyakin kung anong uri ng balangkas ang angkop na gamitin sa paksa.
·         Sundin ang halimbawa ng pormat ng balangkas na nakalarawan sa teksto.
·         Gumamit ng wastong bantas.
·         Tandaan na ang balangkas ay maaaring baguhin o palitan kung kinakailangan.

Mga Tuntunin sa Pagsulat ng Balangkas

1.       Piliin ang mga pangunahing paksa. Gamitin ang bilang Romano tulad ng I, II, III, o IV. Ayusin ang mga bilang nang magkakapantay.
2.       Isulat ang maliliit na paksa tungkol sa pangunahing paksa. Gamitin ang malalaking titik tulad ng A, B, C, o D. Lagyan ng tuldok ang malaking titik at isulat nang may kaunting pasok ang maliit na paksa.
3.       Para sa mga detalye ng bawat maliit na paksa, gamitin ang mga bilang na 1,2,3,4 at iba pa.
4.       Gamitin ang malaking titik sa simula ng pangunahing paksa, maliliit na paksa at mga detalye.

Mga Pormat sa Pagbabalangkas