Pag-uuri ng mga Ideya o Detalye at Ang mga Halimbawang Teksto

Share:
Ang isang teksto ay binubuo ng mga ideya, pangungusap, at detalye. Ito ay binubuo ng pangunahing ideya at mga pansuportang ideya o detalye. Nagagawang malinaw ang isang masalimuot na paksa sa pamamagitan ng mga pangungusap na tiyakang sumusuporta sa pangunahing ideya.

Ang pangunahing ideya ay paksang pangungusap na batayan ng mga detalyeng inilahad sa teksto. Ito ay maaaring matagpuan sa introduksyon, katawan o kongklusyong bahagi ng teksto. May mga pagkakataon naman na ang pangunahing ideya ay hindi tuwirang binangggit sa teksto.

Samantala, ang pansuportang ideya ay mga detalyeng may kaugnayan sa paksang pangungusap upang lubusang maunawaan ang kaisipan ng teksto. Ang pagtukoy sa mga pansuportang detalye ay malaking tulong upang matukoy ang paksa at pangunahing ideya ng teksto.

Halimbawang Teksto

Ang karapatang pantao ay karapatang nagbibigay kaganapan sa ating pagkatao. Ang karapatang mabuhay ay pangunahing karapatan ng tao sapagkat kung wala ito, wala na rin ang pagkakataon upang matamasa niya ang iba pang karapatan ng tao sapagkat kung wala ito, wala na rin ang pagkakataon upang matamasa niya ang iba pang karapatan.  May karapatan din siyang maging mahalaga.  At tratuhin bilang isang indibidwal na may dignidad. Karapatan din ng tao ang maging maunlad. Patuloy na sinisikap ng tao na maigapang ang kanyang sarili at pamilya sa mabilis na pag-unlad tungo sa kaginhawaan.

Pangunahing Ideya:

-          Ang karapatang pantao

Mga pansuportang Ideya:

-          Karapatang mabuhay
-          Karapatang maging mahalaga
      -       Karapatang maging maunlad