Dyornalistik na Pagsulat at Ano Ang Kaibahan Ng Pagsulat Dyornalistik na Pagsulat

Share:

Ang dyornalistik na pagsulat ay tumutukoy sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag. Madalas itong naisusulat sa mga pahayagan tulad ng broad sheet o tabloid. Kabilang dito ang pagsulat ng balita, editoryal, tanging lathalain at iba pa.

Naiiba ang pagsulat ng dyornalistik sa iba pang uri ng pagsulat. Ang pagsulat ng balita ay tuwiran at hindi paligoy-ligoy. Ang pangunahing punto ay inilalagay sa unahan at ang ibang impormasyon ay isinisiwalat mula sa pinakamahahalaga patungo sa di-gaanong mahalaga. Pinipili nang maingat ang mga salita at pinananatiling simple at tuwiran ang estilo ng pagsulat (Alejo, et al., 2005).