Problema, Solusyon at Ang Mga Halimbawang Teksto

Share:
Binibigyang pansin sa hulwarang ito ang pagtalakay sa ilang problema o suliranin at paglalapat ng solusyon o kalutasan. Ang mga problema at solusyon sa teksto ay maaaring lantad o ipinahihiwatig lamang. Inihahayag ditto ang kaisipang dapat malutas at sa dahan-dahang eskalasyon ng mga pangyayari o sitwasyon ay makikita ang paraan upang ito’y matugunan o matumabsan ng aksyon.


Sa mga akdang pampanitikan tulad ng kuwento, matutukoy ang problema sa dinaranas na suliranin ng pangunahing tauhan. Ito ay lalong magpapatibay sa pagkakahawak ng manunulat sa atensyon ng kanyang mambabasa na maaasahang hindi titigil hangga’t hindi niya nakikita kung ano ang nagging kalutasan ng suliranin. Ito rin ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga pangyayari kayat sinasabing ito ang sanligan ng akda.

Sa larangan naman ng pananaliksik, siyentipik at teknikal, ang problema ay mga tanong na hinahanapan ng kasagutan at ang solusyon ay ang mga bagay na natutuklasan at ang nabuong kongklusyon.

Tunghayan ang halimbawa ng tekstong naglalahad ng mga bahagi ng maikling kuwento at bigyang-pansin kung papaano nabigyang solusyon ang problema o suliranin nito.

Mga Halimbawang Teksto

Panitikan

Impeng Negro
Ni Rogelio R. Sicat

Panimula

Sinimulan ng awtor ang kuwento sa paggamit ng usapan sa pagitan ni Impen at ng kanyang ina nang bilinan nito ang anak na iwasan ang pakikipagbasag-ulo.

Tunggalian

Matutunghayan ang tunggalian sa kuwento sa bahaging malapit na sa igiban ng tubig si Impen at natatanaw na niya si Ogor.

-          Nalilikha ang tunggalian ng suliranin sa kuwento. Ang tunggalian ang batayang buhay ng kuwento. Dito naipapakita ng awtor ang isang realidad sa tunay na buhay ng tao – na ang buhay ay puno ng suliranin.

Suliranin / Problema

Naging suliranin ni Impen kung tutuloy ba siya sa paglapit sa gripo o hindi sapagkat alam na alam na ni Impen kung ano ang dadanasin niya kay Ogor.

Kasukdulan

Ang kasukdulan ay nasa bahaging ipinasya ni Impen na tumuloy na rin sa kinaroroonan ng gripo upang sumalok ng tubig hanggang sa patirin siya ni Ogor at saktang muli. Sa pagdilim ng utak ay lumaban siya kay Ogor.

-          Ang kasukdulang ang pinakamakulay at pinakamakintal na bahagi ng kuwento sapagkat dito makikita ang kalutasan sa suliranin ng pangunahing tauhan.

Kakalasan (Resolusyon)

Ang pagwagi ni Impen laban kay Ogor ang nagging resolusyon ng kuwento.

Sa pagwawakas ng kuwento ay gumamit ang awtor ng matinding aksyon ng pagbubuno ng lakas nina Impen at Ogor.

-          Ang wakas ay dapat isunod kaagad sa sandaling marating ang kasukdulan ng kuwento. Kung minsan ang kasukdulan at ang wakas ay pinag-iisa na lamang ng awtor. Ang kasukdulan na rin ang ginagamit na wakas ng kuwento.

Pananaliksik / Siyentipik

Dengue Fever

Ang dengue fever ay isang uri ng sakit na dala ng lamok na carrier ng arbovirus. Naging alarming ang dengue, hindi lamang dito sa Pilipinas magin sa ibang panig ng mundo, lalo na sa parting Middle East, Far East Africa at dito sa Asya. Kung minsan ang kapabayaan at ang kakulangan sa kaalaman ang nagiging sanhi ng kamatayan ng isang may sakit na dengue.

Paano makaiiwas sa sakit na dengue? Una sa lahat, huwag kang pakagat sa lamok. Maging maingat sa paligid at mga bagay na maaaring pamahayan ng lamok.

Ano-ano ang mga paraan para di pamahayan ng lamok? Narito ang ilang paraan:

-          Linisin o butasan ang mga gulong para di ipunan ng tubig.
-          Linisin at palitan ang tubig sa plorera minsan sa isang lingo.
-          Linisin ang alulod at gutter.
-          Linisin o itapon ang mga tumbang puno o halaman.
-          Itapon o linisin ang tambak na tarpaulin o plastik.
-          Linisin at ugaliing may takip ang mga containers, drums at mga ipunan ng tubig.
-          Palagiing may isda ang loob ng aquarium.
-          Regular na bisitahin at linisin ang kapaligiran. Siguraduhing walang maaaring maipunan ng tubig.
      -       Tabunan ang hinukay na lupa.