Batay sa interaktibong pananaw ng
pagbasa, ito ay nagbibigay ng pangunahing diin sa paggamit ng dating kaalaman
(iskema) at konsepto sa paligid. Ang bawat yugto ng gawaing pagbasa ay
kakikitaan ng aktibong partisipasyon ng mambabasa. Narito ang mga estratehiya
na nagpapakita ng interaktibong pananaw sa pagbasa.
Ang
Pinatnubayang Pagbasa – Pag-iisip
Ang Pinatnubayang Pagbasa – Pag-iisip o
Direct Reading – Thinking Activity (DRTA) ay isang estratehiya sa pagbasa na
binuo ni Russell Stauffer (1969) kung saan ang mambabasa ay nagbibigay ng
kanilang sariling hula o palagay tungkol sa teksto. Dito makikita ang tuwirang
interaksyon sa pagitan ng mambabasa at ng teksto.
Ang paraang DRTA ay binubuo ng tatlong
pangunahing hakbang na inaasahang magagawa ng mambabasa: (1) pagbibigay-hula,
(2) pagbabasa, at (3) pagpapatunay ayon sa impormasyong nasa teksto.
Ang
SQ3R na Estratehiya sa Pagbasa
Ang SQ3R
na estratehiya sa pagbasa ay binuo ni Francis Robinson (1970) na
nangangahulugang Survey, Question, Read, Recite at Review. Ang estratehiyang ito ay
napatunayan nang epektibo upang malinang ang kasanayan sa pagbasa at pag-aaral
ng estudyante. Ito’y angkop gamitin sa mga tekstong ttuluyan o prosa sa
panitikan, agham panlipunan at agham.
Survey
(Pagsusuri)
-
Ito ang paraan upang masanay
ang kaalaman ng estudyane sa mga malalawak na balangkas, pamagat ng kabanata,
simula, paksa, at buod.
-
Kailangang malaman ng
estudyante kung anong uri ng teksto ang binabasa bago makapili ng estratehiyang
gagamitin.
Mga
Hakbang
-
Pagtingin muna sa pamagat
-
Pagbasa sa Paunang Salita
(Introduksyon) ng may-akda sa aklat
-
Pagbasa sa simula at lagom ng
kabanata
-
Pahapyaw na pagbasa
Question
(Pagtatanong)
-
Ang mga tanong ay nagiging
batayan sa pagkuha at paglilinaw ng dahilan ng pagbasa.
-
Ang mga tanong na nabubuo ay
nagiging batayan sa pagbabalik-aral.
-
Ang mga tanong bago bumasa ay
makakahikayat upang hanapin ng mga estudyante ang mga sagot habang sila’y
nagbabasa
Mga
Hakbang
-
Pagsulat sa mga tanong na
nalinang bago bumasa, habang bumabasa o pagkatapos bumasa
Read
(Pagbasa)
-
Ito’y masusing pagbabasa upang
magkaroon ng tiyak na layunin sa pagbasa at malinaw na bigyan ng kahulugan ang
suliraning lulutasin.
-
Ito’y maingat ngunit mabagal na
pagbasa na binibigyang-diin ang mga alalahaning detalye.
Mga
Hakbang
-
Pagtuon ng pansin sa mga
pangunahing ideya o kaisipan ng teksto.
-
Pagsama sa mga pansuportang
detalye sa pangunahing kaisipan
-
Pagbigay pansin sa mga uri ng
ilustrasyon, mapa, tsart, at iba pa
-
Pagbalangkas sa binasa
Recite
(Pagsagot)
-
Ito ay pagsubok saa sarili
upang sagutin ang mga tanong na hindi ibinatay sa mga naisulat. Kapag hindi
makasagot ay saka na titingin sa teksto o aklat.
-
Ang sariling sagot sa mga
tanong ay nakatutulong sa konsentrasyon ng estudyante.
-
Iminumungkahi na ang pagsagot
ay gawin pagkatapos ng pagbasa.
-
Ang pagpapahayag sa sariling
salita ay mas epektibo kaysa sa pagsasaulo dahilan sa ang mga bagong kaalamang
galing sa sariling salita’y hindi madaling malimutan.
Mga
Hakbang
-
Pagbuo ng sariling sagot
-
Pagsagot sa sariling salita sa
mga bagong kaalaman
Review
(Pagbabalik – aral)
-
Ito ay isang kritikal na
reeksaminasyon tungo sa pag-uugnay ng nilalaman at sa paglalahad.
-
Ang pag-aaral ay hindi kumpleto
hanggang hindi nailalagay sa isipan at kailangang matandaan ng mga estudyante
ang mga natutuhan. Ito’y nagagawa sa pamamagitan ng pagbabalik-aral.
Mga
Hakbang
-
Sariling pagsulat
-
Pagsagot sa mga tanong
-
Pagtatalakay
-
Paglalagom
- Paulit na pagbasa