Pagbibigay-Interpretasyon sa Mapa, Tsart, Grap at Talahanayan

Share:

Ang mapa, tsart, grap at talahanayan ay mga grapikong pantulong upang madaling maunawaan at nagagawang payak ang mga datos na inilalahad sa isang teksto. Kapaki-pakinabang ang mga ito para sa isang mananaliksik sapagkat malinaw at siyentipiko niyang natatalakay ang kanyang paksa.


Mga Paraan ng Pagbibigay-Interpretasyon


  • Basahin at unawain ang pamagat at sab-seksyon ng teksto upang matukoy ang layunin nito.
  • Pansinin at unawain ang legend at scales na ginamit.
  • Tingnan kung ang grap ay mayroong nakasaad na mga tala sa paligid, itaas o ibabang bahagi. Tuklasin ang mga kahulugan nito batay sa legend.
  • Suriing mabuti ang bawat bahagi.

1. Mapa


  • Ang mapa ay naglalarawan ng lokasyon, hugis at distansya. Ang mapa ay nagtuturo sa mga palatandaan ng lokasyon ng isang lugar. Ito ay nakatutulong sa pagbibigay direksyon.
  • Ang pagbibigay ng direksyon ay isang uri ng pagpapaliwanag. Tulad ng pagpapaliwanag ng paggawa ng isang bagay, nangangailangan ito ng katiyakan, kapayakan at kaliwanagan. Kailangan din ang maliwanag na pagkakasunod-sunod ng mga hakbang na kailangang sundin.

2. Tsart


  • Ang tsart ay nagpapakita ng dami o estruktura ng isang sistema sa pamamagitan ng hanay batay sa hinihingi o ibibigay na impormasyon.

a. Tsart ng Organisasyon

Tsart ng Organisasyon

b. Flow Tsart

Flow Tsart Flow Tsart Flow Tsart

3. Grap at mga Halimbawa ng Grap

Ang grap ay mauuri sa sumusunod: (a) larawang grap, (b) linyang grap, (c) bar grap, at (d) bilog na grap.

Mga Uri ng Grap

a.Larawang grap (Pictograph)

Larawan ang ginagamit upang kumatawan sa mga datos, impormasyon o produkto. Mahalaga na maging magkakasinlaki ang mga larawan. Ang kalahati o hinating larawan, kalahati rin ang bilang nito (50%), ang mga datos na 55-90% ay pinakakahulugang buong larawan.

Halimbawa: Halimbawa ng Larawang grap (Pictograph)

b. Linyang grap (Line Graph)

Binubuo ng linyang perpendicular. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng pagbabago o pag-unlad. Ang patayo at ibabang linya ay may kaukulang pagtutumbas. Gamit ang linya at tuldok tinutukoy ang interbal, bilis, bagal o tagal ng mga bagay (salik) na nakatala sa bawat gilid.

Halimbawang pormat: Halimbawang pormat ng Linyang grap (Line Graph)

c. Bar Grap (Bar Graph)

Nagpapakita ng paghahambing ng mga datos gamit ang bar sa halip na tuldok at linya upang tukuyin ang kantidad. Parisukat ang anyo ng grap, maaring patayo o pahiga ang mga datos na sinisimbolo ng bar.

Halimbawang pormat: Halimbawang pormat ng Bar Grap (Bar Graph)

d. Bilog na Grap (Pie Graph)

Itoý sumusukat at naghahambing ng mga datos o impormasyon sa pamamagitan ng paghahati-hati nito.

Halimbawang pormat: Halimbawang pormat ng Bilog na Grap (Pie Graph)

4. Talahanayan (Table)

Ang talahanayan ay naglalahad ng datos sa tabular na anyo. Sistematikong inilalagay sa mga hanay o kolum ang mga nalikom na datos.

Halimbawa:

Mga Pangunahing Wika ng Pilipinas

Halimbawa ng Talahanayan (Table)