Ito ay paraang eksposisyon na
tumatalakay o nagbibigay-kahulugan sa isang salita. Ito rinay paglilinaw sa
kahulugan ng isang salita upang tiyak na maunawaan. Bawat disiplina o larangan
ay may tiyak na mga salitang ginagamit kaya’t kailangang ipaliwanag ito sa
pamamagitan ng depinisyon.
-Ang
Kalayaan ni Marcelo H. del Pilar
Mga
Uri ng Depinisyon
May dalawang uri ng depinisyon: (1)
maanyong depinisyon, at (2) depinisyong pasanaysay.
Maanyong
Depinisyon
Ito ay tumutukoy sa isang makatuwirang
pagpapahayag ng mga salita na nagbibigay ng malaking kaalaman. Ito ay tumutugon
sa mga patakaran ng anyong nasa diksyunaryo at ensayklopedya.
Tatlong
Bahagi ng Maanyong Depinisyon
Katawagan
(form) – ang salitang ipinaliliwanag o
binibigyang-depinisyon
Halimbawa: Ang Parabula
Klase
o Uri (genus) – ang kategoryang kinabibilangan o pangkat
na binubuo ng mga katulad na bagay
Halimbawa: Ang Parabula ay isang maikling kuwento
Mga
katangiang ikinaiiba ng salita (difference) – mga
paglalarawan na ikinaiiba ng salitang binibigyang-depinisyon s iba pang salita
o katawagan.
Halimbawa:
Ang parabula ay isang maikling kuwento na naglalayong
mailarawan ang isang katotohanang moral o espirituwal sa isang matalinghagang
paraan.
Iba
pang halimbawa ng Maanyong Depinisyon
Ang liriko
ay isang uri ng tula na may kaayusan at katangian ng isang awit na
nagpapahayag ng matinding damdamin ng makata.
Ang astrolohiya
ay sangay ng meteorolohiya na nag-iimbestiga sa kondisyon sa
himpapawid at atmospera ng daigdig.
Ang ekolohiya
ay isang sangay ng siyensya na pag-aaral sa pag-uugnayan ng mga
organism at sa kanilang kapaligiran, maging hayop man o halaman.
Depinisyong
Pasanaysay
Ito ay isang uri ng depinisyon na
nagbibigay ng karagdagang pagpapaliwanag sa salita. Ito ay kawili-wili,
makapangyarihan at makapagpapasigla kaya higit itong binabasa ng mga mambabasa.
Walang tiyak nah aba ito basta’t makapagpapaliwanag lamang sa salitang
binibigyang kahulugan.
Halimbawa:
Ang kalayaan ay hindi iba kundi
kapangyarihang sumunod o sumuway sa sariling kalooban. Ang tinatawag nating
malaya ay yaong panginoon ng kanilang kalooban.
Ang kalayaan ay isa sa mahalagang biyaya
ng diyos sa tao; dahil sa kalayaan ay nakaiilag tayo sa masama at makagagawa ng
inaakala nating magaling……