Ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang nakapokus sa akto ng pagsulat. Kasangkot dito ang mga manunulat sa pag-iisip, pagtalakay, pagbabasa, pagpaplano, pagsulat, pag-eedit at pagsulat muli ng nabuong sulatin. Ang pagsulat ay isang prosesong paulit-ulit na pagsulat at pagkatapos ay pagsulat muli hanggang sa mabuo ang sulatin.
Sa pagsulat natin ng
teksto ay nagsisimula tayo sa isang blankong papel patungo sa isang kumpletong
sulatin. Kaya lang, nagkakaroon tayo ng suliranin kung paano at saan kukuha ng
mga kailangang impormasyon na siyang pupuno sa mga pahina. Sinasabing mahirap
ang magsulat lalo na kung hindi natin alam ang ating isusulat.
Ang Pagkuha ng Paksa
Sa pagsulat, walang taong
magtatangkang sumulat kung walang plano sa dapat isusulat. Dapat isaisip at
planuhin ang susulatin sa gayon kailangan ang pagkokolekta ng mga impormasyon
kaugnay sa nabuong ideyang isusulat. Dapat tandaan sa pagsulat ang magiging
epekto ng akda sa mambabasa.
Hindi madaling magsimula
ng susulatin dahil kaharap mo ang isang blankong papel. Naghihintay ka sa
pagdaloy ng isip o talagang wala kang maisip. Ito ang karaniwang nasusumpungan
ng mga manunulat lalo na ang mga baguhan.
Ang isang manunulat ay
maaaring makakukuha ng mga ideya o paksa sa: (a) iba’t ibang uri ng babasahin
tulad ng mga magazine, pahayagan, peryodikal; (b) ,midya – radyo, telebisyon,
internet; (c) mga pelikula o dokumentaryo; (d) mga sining biswal; (e) mga
panaginip o alaala; (f) diskusyon at palitang-kuro; (g) pagsasatao at
pagsasadula; (h) pananaliksik; (i) interes ng sarili o ng klase.
Mga Yugto ng Pagsulat
Hindi lahat ng manunulat
ang nakabubuo ng magandang sulatin sa isang upuan lamang. Ang isang magandang
sulatin ay dumadaan sa ilang yugto ng pag-unlad mula sa burador hanggang sa
pinal na papel.
Isang hamon sa mga
estudyante ang mga gawaing pasulat. May mga estudyante na nahihirapan sa
gawaing ito sapagkat hindi nila nakasanayan, nakakatamaran, o hindi nila
nakakahiligan ang pagsulat. Ang mga
katuwirang ito ay maaaring palagay lamang. Ang totoo nito, magagawa natin ang
pagsulat nang maayos kung susundin natin ang pagsulat na isang proseso at hindi
isang gawain na dala lamang ng pangangailangan.
Bilang isang proseso, ayon
kina Graves (1982), Murray (1985), at Arrogante (2000), ang pagsulat ay binubuo
ng mga sumusunod na hakbang: (A) Bago Sumulat; (B) Pagsulat ng Burador; (C)
Pagrebisa; (D) Pag-eedit; at (E) Paglalathala.
A. Bago Sumulat
(Prewriting)
-
Ito’y isang
estratehiya tungo sa pormal na pagsulat. Ito ang unang hakbang na isasagawa sa
pagpapaunlad ng paksang isusulat. Ang gawaing ito ay maaaring ginagawa nang
isahan o nang pangkatan.
B. Pagsulat ng
Burador (Draft Writing)
-
Ito’y aktuwal na
pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi isinasaalang-alang ang maaaring pagkakamali.
-
Ang mga kaisipan
at saloobin tungkol sa paksang sinusulat ay malayang ipinahahayag ng
estudyante.
-
Ang guro ay
nakaantabay sa maaaring maitulong o tanong na maaaring hingin ng mag-aaral kung
nasa klasrum ang gawain.
-
Matapos
maisagawa, maaaring balikan at suriin ng estudyante ang natapos na sulatin
upang maaayos at malinaw ang ginagawang paglalahad.
C. Pagrebisa
-
Ito’y pagbabago
at muling pagsulat bilang tugon sa sagot sa mga payo at pagwawasto mula sa
guro, kamag-aral, editor o mga nagsuri.
-
Pangunahing
konsern ng rebisyon ang pagpapalinaw sa mga ideya. Ginagawa ito upang suriin
ang teksto at nilalaman para matiyak ang kawastuhan, kalinawan at kayarian ng
katha na madaling maunawaan ng babasa.
-
Sa bahaging ito,
iniwawasto ang mga inaakalang kamalian, binabago ang dapat baguhin at
pinapalitan ang dapat palitan.
D. Pag-eedit
-
Ang bahaging ito
ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, estruktura ng pangungusap, wastong gamit
ng salita at mga mekaniks sa pagsulat.
-
Sa bahaging ito
pinapakinis ang papel upang matiyak na ang bawat salita at pangungusap ay
naghahatid ng tamang kahulugan. Sa pag-eedit, ang mga di-magkaugnay na
pangungusap ay muling isinusulat upang higit na maipakita ang kaugnay na mga
ideya.
E. Paglalathala
-
Ang paglalathala
ay pakikibahagi ng nabuong sulatin sa mga target na mambabasa. Kabilang sa
gawaing ito ang mga sumusunod:
1.
Paglalathala
ng mga piling sulatin sa pahayagang pangkampus
2.
Pagbabasa sa
harap ng klase at pakikinig sa pagbasa ng iba
3.
Paggawa ng
isang buklet, album o portfolio ng mga naisulat
4.
Eksibit o
pagdidispley sa buletin bord ng mga naisulat
Mga Uri ng Pagsulat sa Iba’t Ibang Layunin
Nagsusulat tayo ng samu’t
saring uri ng sulatin sa iba’t ibang dahilan o layunin at uri ng mambabasa. Ito
ay kapakioakinabang sa iba’t ibang panahon, lugar, paraan at pangangailangan:
A.
Pagsulat para
matuto at makaunawa
-
Pagtatala (note
taking)
-
Brainstorming at
quickwriting
-
Semantic mapping
-
Venn diagram
-
Graphic organizer
-
Dyornal
B.
Pagsulat para
makipagkomunikasyon
-
Liham
-
Talambuhay
-
Ulat o report
C.
Imahinatibong
pagsulat
- Mga akdang pampanitikan
(kuwento, tula, sanaysay, atbp.)